11:48 PM
25.05.12
Umalis na si mama sa Pinas at maga-abroad. Sa Ireland sya magt-trabaho kung nasaan si papa. Bago pa nga sya umalis, hindi ko nakalimutang sabihin na wag nyang kalimutan na magpunta ng Mullingar, Ireland at kumain sa Nandos. Alam na. Haha.
Buti hindi ako umiyak. Loool. Ang galing ko talaga magpigil ng iyak. Pero nalulungkot ako kasi matagal-tagal yata syang mawawala, wala ng nanay na mag-aalaga sa’kin. Ilang taon ko na kasi sya nakasama. Minsan, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala sya. Pero nandito naman si tita. Pero iba pa rin talaga ang pagmamahal at ang paga-aruga ng nanay. Masaya at the same time kasi para sa’min yung ginagawa nila ni papa e. =)
Yung halaman namin na nakalagay sa may gate, napagtrip-an ko lang. =))

First time kong makunan ng litrato yung mga clouds.

Hindi ko rin alam kung bakit nagagandahan ako dito. Aksidente ko lang ‘tong nakunan kasi ang gusto ko talagang i-capture e yung bahay nina Heart Evangelista na nasunog. Sa Carmona yan e. Haha. Nagandahan yata ako gawa nung clouds.


Sa Sto. Nino de Cebu. Sabi ni mama, ganyang-ganyan din daw yung itsura nung simbahan sa Cebu.

Unang toll plaza na nadaanan namin. Haha. Wala talaga akong magawa sa loob ng sasakyan.

Dito kami parati nagm-mall ni mama nung bata pa ko. Yung mga days na wala pang SM Dasma

Sa may Sucat, Paranaque. Pigil-pigil rin ako kasi ayaw kong umiyak. Haha



Sa NAIA. May picture kami nina mama, kaso ayaw ko nang ilagay dito kasi ang haggard namin. Ang lakas kasi ng hangin that time. Huhu.

Pa-try rin ng sunset. Hahaha.





Favorite part ko sa lahat ngayong araw. Nung gabi na. Haha.





